Behind the Shrine
Activities and Events

2007

2006

ICON Newsletter
Online Media Files

Novena Recordings

Image Gallery

Ineractive Gallery

Bulletin Board

PILGRIMAGE PRAYERS
AND SONGS
__________________

TAGALOG

__________________

Inang Sakdal Linis

back to list

Inang sakdal linis Kami ay ihingi Sa Diyos Ama namin; Awang minimithi.

Ave, Ave, Ave Maria Ave, Ave, Ave Maria

Bayang tinubua'y ipinagdarasal at kapayapaan nitong sanlibutan.

Ave, Ave, Ave Maria Ave, Ave, Ave Maria

Panalangin ng Peregrino

back to list

Papasok ako sa banal na dalanginan
sa harap ng imahen ng aking Ina.
Aking Ina, sino pa ang laging
handang dumamay sa akin
dama ko ang pananahan mo sa buhay ko ngayon
Tulungan mong makita ko
ang pananahan mo sa sariling kong pamilya
Tulungan mong makita ko
ang pananahan mo sa buhay ko ngayon
Tulungan mong makita kita
Tulungan mong mahalin kita
Tulungan mong lubos akong
magbalik-loob sa inyong Anak
Nalilinis lahat kong mga kasalanan
Napapaalis lahat kong pagkukulang
Matatag sa iyong pag-ibig,
binibiyayaan ng iyong awa,
Sakupin mo ako, O Panginoon
Mahal na Ina, yakapin mo ako
ng init ng iyong pagmamahal.

Amen.

Panalangin para sa Inang Sakdal Linis

back to list

Mahal na Ina ng Laging Saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Hesus upang maging Ina namin. Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga ina. Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalung-lalo na ang biyayang ito …

(tumigil at sabihin ang iyong mga hangarin).

Noon ikaw ay nasa lupa, minamahal na Ina, ikaw ay buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak. Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-Amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang Mahiwagang Kalooban. Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay. Kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin. Pinakakamahal na Ina, bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin, at tinutugon Niya ang lahat ang aming mga panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus tulad ng iyong Banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ay tiyak na makakabahagi rin ng Kanyang muling pagkabuhay. Pinakamamahal na Ina, habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila; tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila. Samantalang idinadalangin namin ang aming mga adhikain at mga adhikain ng lahat ng naririto ngayon. mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo, aming Ina, tulungan mo kaming makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga may sakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, magpahilom ng sugat ng mga pusong wasak, magpagaan ng tinitiis ng mga inaapi, at turuan ng katarungan ang mga sa kanila'y nang-aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya. Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't-isa. Buong tiwala naming isinasalalay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan.

Amen.

Panalangin para sa Tahanan

back to list

Ina ng Laging Saklolo, pinili ka naming Reyna ng aming tahanan. Hinihiling naming pagpalain mo ang aming pamilya sa pamamagitan ng iyong matimyas na pagmamahal. Mahigpit nawang bigkisin ng Sakramento ng Kasal ang mga mag-asawa upang lagi silang maging tapat at mapagmahal sa isa't-isa tulad ng pagmamahal ni Kristo sa Santa Iglesia. Hinihiling naming pagpalain mo ang lahat ng mga magulang. Mahalin nawa nila ang mga anak na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila. Nawa’y lagi silang maging huwaran ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng kanilang tunay na buhay-Kristiyano. Tulungan mong palakihin at arugain ang kanilang mga anak na may pagmamahal at takot sa Diyos. Pagpalain mo ang mga bata upang kanilang mahalin, igalang at sundin ang kanilang ama at ina. Sa iyong magiliw napagpapala tangi naming ipinagkakatiwala ang mga kabataan ngayon. Bigyan mo kaming lahat ng pagpapahalaga sa aming pananagutan nang matupad namin ang aming tungkulin na gawing pugad ng kapayapaan, ang aming tahanan tulad ng iyong tahanan sa Nasaret. Ikaw ang aming huwaran. Tulungan mo kami upang sa araw-araw ay lalong magningas, ang dalisay naming pagmamahal sa Diyos at kapwa, nang sa gayo'y maligayang maghari ang katarungan at kapayapaan sa buong sangkatauhan.

Amen.

Pagbabasbas ng Peregrino

back to list

Guardian of my soul,
guide me on my way that day.
Keep me safe from harm.
Deepen my relationship with you,
your Earth, and all your family.
Strengthen your love within me
that I may be a presence of your peace
and reconciliation in our world.

Amen.

Pangwakas na Panalangin

back to list

Nakapaglakbay ako sa mga lugar
na sa panaginip lamang mapupuntahan
Napuntahan ko ang mga lugar
sa babasahin lamang makikita
Nadalaw ko ang mga lugar
na akin lamang ipinagdarasal
Nagyon, lumakad ako sa mga lugar
kung saan mga yapak, ng Diyos
malalim na mababakas subalit
bago para sa iyo at para sa akin
Matahak ko nawa muli ang daan ng
manlalakbay sa Panginoon.